Anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na sina Zia at Ziggy, cute na cute sa kanilang mga larawan na magkasama

Ang ating mga kapatid ang siyang itinuturing nating kasangga, at kakampi sa lahat ng bagay, lalo na sa mga biruan ay sila ang ating karamay. Kaya naman bukod sa ating mga kaibigan, ang ating mga kapatid ay nagsisilbi rin nating best friend na maaari mong matakbuhan kahit anong oras.


Credit: @marianrivera on Instagram

Tila ganyan nga mailalarawan ang magkapatid na sina Zia at Ziggy Dantes, na anak ng dalawang sikat na personalidad sa industriya ng showbiz, ang mag-asawang Kapuso Primetime Queen and King na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Isa ang Dantes family sa mga tinitingalang pamilya sa showbiz, hindi lang dahil sa kanilang magagandang lahi, kundi pati na rin ang pagkakaroon nila ng matibay at masayang samahan, na nagsilbing inspirasyon rin sa kanilang mga tagahanga.

Dahil ito sa masayang relasyon at puno ng pagmamahalan na namutawi kina Marian at Dingdong sa kanilang magandang samahan bilang mag-asawa, kaya naman hindi kataka-taka na pati rin ang kanilang mga anak ay nakitaan rin ng kakaibang closeness bilang magkapatid.

Bilang panganay na anak si Zia, sa kanyang murang edad ay nakitaan na ng publiko ang pagiging bibo at magandang bata nito. Samantalang si Ziggy naman, kahit 2 taong gulang pa lamang ay hindi rin maitatanggi na likas rin ang angking kagwapuhan nito na ayon pa sa iba, ang kanyang Mommy Marian ang kamukha nito.


Credit: @marianrivera on Instagram

Katulad ng celebrity couple ay pareho din na masayahin ang personality ng magkapatid, at tila parehas rin nagkakasundo ang dalawa sa maraming bagay. Madalas mang masilayan sina Zia at Ziggy na magkasama sa kanilang mga family pictures, ay hindi naman magkamayaw ang mga fans sa pagbibigay ng komento sa inilabas na litrato ni Marian sa kanyang Instagram account.

Sa litratong ito ay makikita ang pagiging sweet sa isa’t-isa nina Zia at Ziggy, at sa kabila ng kanilang masasayang ngiti ay siya namang pumukaw sa damdamin ng kanilang mga fans.


Credit: @marianrivera on Instagram

Tulad na lamang ng mga celebrities na sina Glaiza de Castro, Iya Villania, Rachelle Ann Go, Lovi Poe, Mariel Padilla, Aiko Melendez, Janine Gutierrez, Sue Ramirez, Loisa Andalio, Vhong Navarro, Roxanne Barcelo, ay hindi rin nakapagpigil sa pagbibigay ng kanilang komento sa ka-cute-an ng dalawa.

Patunay nga na sa caption ni Marian ay, “They will always have each other’s back,”.