Dingdong Dantes ibinida ang mag-ina niyang si Marian Rivera at Zia Dantes: “All I can see is beauty.”

Dingdong Dantes may maikling mensahe sa dalawang babaeng may mahalagang papel sa buhay niya – ang misis na si Marian at anak na si Zia.

 

Proud husband na si Dingdong Dantes sa misis na si Marian Rivera

marian rivera

Larawan mula sa Instagram account ni Dingdong Dantes

Sino nga bang hindi magiging proud na magkaroon ng misis na tulad ni Marian Rivera. Pero maliban sa ganda at talent, si Dingdong mas proud pa sa pagiging isang responsableng maybahay ni Marian para sa kaniya at mga anak.

Sa isa sa kaniyang mga post sa Instagram ay tinawag ni Dingdong na “incredible” ang misis niyang si Marian na very hands-on sa pagpapatakbo ng kanilang bahay.

“Good morning to this incredible woman who runs our household. Despite it being a holiday today, I woke up a little later than usual and saw her downstairs, busy with something.

As I made my way to the living room, I saw her packing goodie bags for our company party tonight!”

Ito ang bahagi ng post ni Dingdong kalakip ang larawan ni Marian na busy na nag-papack ng mga goodie bags.

Proud dad na si Dingdong sa anak niyang si Zia Dantes

panganay na anak ni dingdong dantes na si zia dantes

Samantala, sa isa niya namang IG post ay ang panganay niyang anak na si Zia naman ang ibinida ni Dingdong. Si Zia base sa mga larawan ay nagperform sa isang piano recital.

Ayon kay Dingdong, kahit dumadaan sa pagsubok ang kanilang pamilya, ang makita ang anak na si Zia na mahusay na nagpleplay ng piano ay bigla siyang nagkaroon ng comfort at pag-asa.

dingdong dantes at marian rivera kasama ang mga anak na sina zia at sixto

“Suddenly, I snap out of the worry and all I see is beauty.”

“It reminds me to hold onto hope and find comfort in life’s little moments, and that everything’s gonna be alright.”

Ito ang sabi pa ni Dingdong