Marian Rivera, ibinahagi ang masayang kaarawan ng kanilang bunsong anak na si Sixto pati na rin ang mga espesyal na regalong kanyang natanggap

Masayang nagdiwang ng kaniyang kaarawan ang bunsong anak na lalaki ng celebrity couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Jose Sixto o mas kilala bilang si Ziggy.

Katulad ng kaarawan ni Ziggy noong nakaraang taon ay isa muling quarantine birthday ang kaniyang ipinagdiwang dahil ngayon ay dalawang taong gulang na si Ziggy.


Credit: @marianrivera on Instagram

Marami naman ang nagbigay ng kanilang pagbati at regalo para sa kaarawang ito ni Ziggy, na siyang makikita sa mga larawan at videos na binahagi ni Marian sa kaniyang IG story.

“Wow that was fast! Happy birthday Sixto ❤️❤️”

“Happy Birthday, Gwapo!!!! ???”

 


Credit: @marianrivera on Instagram

“Happy Birthday, Sixto!??????”

“Happiest birthday, cutie!!!♥️✨”

Mula sa mga natanggap na regalo ni Ziggy ay tila`y ang regalong puting motor na kaniyang natanggap ang labis na nagustuhan nito, dahil makikitang sinubukan na niya agad ito habang nakasakay mismo sa kaniyang motor.


Credit: @marianrivera on Instagram

Maliban dito ay marami din namang natanggap na birthday cake at balloons si Ziggy at halos karamihan pa nga sa mga ito ay mga cartoon-themed characters.

Sa larawan naman na ibinahagi ni Marian sa kaniyang Instagram post, ay makikita ang gwapong si Ziggy habang nakatitig sa kaniyang birthday cake habang suot-suot ang kaniyang sumbrero.

“Maligayang Kaarawan mahal ko! ♥️ #six2”

At mapapansin rin sa likurang bahagi ni Ziggy ang isang malaking number 2 stand na may mga kulay asul at berde na lobo sa loob.


Credit: @marianrivera on Instagram

Hindi naman nagpahuli ang kaniyang Daddy Dingdong at nagbahagi din ng larawan nila ni Ziggy habang karga-karga niya ito at nagbigay ng taos-pusong mensahe para sa kaarawan ng kaniyang anak.

“I was going through old photos, when I came across this picture that I had taken around the same time last year (bago kita tuluyang kinalb0 ?). I couldn’t believe how time flies so fast that in a couple of days, you’ll be turning two.”

“It may not be an ideal world to live in, but we, your parents, will do our best to inculcate in you and your Ate Z the renewed (and strengthen) version of values and principles of humanity.”

 


Credit: @marianrivera on Instagram

Bukod kay Ziggy ay mayroon ding isang anak sina Marian at Dingdong at ito ay ang kanilang panganay na anak na si Zia.