Marian on Dingdong: ‘Mas magaling ka talaga habang mas tumatagal.’

Marian Rivera and Dingdong Dantes headline MMFF 2023 entry Rewind

Marian Rivera on working again with husband Dingdong Dantes: ‘Sabi ko, parang nakaka-miss talagang katrabaho siya. ‘Magaling ka na, pero mas magaling ka talaga habang mas tumatagal.’
PHOTO/S: NIKKO TUAZON / SCREENGRAB FROM REWIND TRAILER

Positibo ang pagtanggap Marian Rivera sa inaasahang mahigpit na labanan sa takilya sa pagitan ng sampung entries na ipapalabas sa 2023 Metro Manila Film Festival.

Kabilang rito ang When I Met You In TokyoMallariGomburzaFireflyBecky And BadetteBroken Heart’s TripFamily Of TwoPendukoK(a)mpon, at Rewind.

Read: MMFF 2023 Top 10 official entries: Pinaghalu-halong romance, drama, horror, comedy, fantasy, action

Si Marian at asawa niyang si Dingdong Dantes ang bida sa Rewind, na iprinodyus ng Star Cinema, ang film company arm ng ABS-CBN, kasama ang APT Entertainment, na pag-aari ni Tony Tuviera, at Agostos Dos Media ni Dingdong.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian kung nakakaramdam ng pressure na pawang mabibigat at magaganda ang mga pelikulang kasabayan nila sa 2023 Metro.Manila Film Festival

Sagot niya, ‘Siguro hindi ko tinitingnan na labanan. Nakakatuwa kasi bumabalik na yung ganitong klase ng mga pelikula.

‘Ang tanging hiling naming lahat na hetong sumali sa MMFF na sana panoorin at tangkilikin ng kapwa natin ang pelikula namin.’

Pagdating sa MMFF 2023 Awards, inaasahang maglalaban sa Best Actress category ang female lead stars ng mga pelikula tulad ni Marian para sa Rewind.

Si Star For All Seasons Vilma Santos ang female lead star sa When I Met You In Tokyo, habang si Megastar Sharon Cuneta ang sa Family of Two.

Hindi naman iniisip ni Marian kung anuman ang resulta sa awards night ng festival.

‘Basta ako ginawa ko ang best ko dito at naniniwala ako sa ganda ng pelikula namin,’ diin ni Marian.

Masayang balita pa niya, ‘Last two shooting days na lang kami and we’re done. Heto buhay pa naman ako sa araw-araw naming shooting.’

Nakapanayam ng PEP.ph si Marian sa ll Luxe Screen Ecran De Luxe Sunblock product and endorser launch, na ginanap sa Pardon My French sa Makati City noong November 15, 2023.

 

ON WORKING WITH DINGDONG DANTES

Sa parehong interbyu ibinahagi ni Marian na lalo siyang bumilib sa husay sa pag-arte ng asawang si Dingdong.

Ang Rewind ang pagbabalik-tambalan nila Marian at Dingdong na huling nagkatrabaho sa pelikulang You To Me Are Everything nung 2010.

Sa teleserye, ang huli nilang proyekto ay ang Kapuso prime-time series na My Beloved noong 2012.

Nag-reunion naman ang mag-asawa sa small screen nang gawin nila ang weekly sitcom na Jose & Maria’s Bonggang Villa noong 2022.

‘I m looking forward every day talaga pag magkatrabaho kami.

‘Sabi ko nga, ‘Last two shooting days na lang, mami-miss kitang katrabaho,’ kasi ang tagal naming di nagkatrabaho.’

Ipinarating daw ni Marian sa mister ang paghanga niya rito.

‘Alam mo, nag-uusap kami, sabi ko, simula nung makatrabaho ko siya, ganun pa rin hanggang ngayon kung paano siya.

‘Sabi ko, parang nakaka-miss talagang katrabaho siya. ‘Magaling ka na, pero mas magaling ka talaga habang mas tumatagal.’