Marian Rivera shows kissing photo with Dingdong Dantes in Israel

Isang matamis na halik ang reward sa isa’t isa ng mag-asawang Marian Rivera, 37, at Dingdong Dantes, 41.

Ito ay matapos ang matagumpay na pag-upo ni Marian bilang hurado sa Miss Universe 2021 preliminaries at coronation night.

Marian Rivera and Dingdong Dantes

Ipinasilip ni Marian ang sweet kiss nila ni Dingdong via Instagram Story kahapon, December 16.

Tila kuha iyon habang sila ay nasa kanilang side trip sa Israel.
Marian Rivera and Dingdong Dantes
Ibinahagi rin ni Marian ang picture na nakatulog siya sa isang restaurant habang tila naghihintay ng kanilang order.

Mabilis naman si Dingdong sa pagsalo sa misis na nakatulog sa pagod.

Caption ni Marian, “Napagod ako dito at to the rescue ang asawa ko!” Iba yaaaarn.”

MARIAN SUPER GRATEFUL TO DINGDONG

December 12 (December 13 Philippine Time) ginanap ang Miss Universe coronation night sa Eliat, Israel.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nang matapos ang kanyang official duties bilang hurado, inihayag ni Marian kung gaano niya na-appreciate ang full support sa kanya ni Dingdong.

Noong December 14, ipinost ni Marian ang litrato nila ni Dingdong na magkayakap at masuyo ang tingin sa isa’t isa.

Pareho silang casual attire ang suot sa litrato.

Caption ng aktres: “Before this trip ends I’d like to thank the best husband I could ask for [crying emoji] — from being my cheerleader to waterboy, thank you for everything that you do for us [hearts]

“Thanks for creating memories with me so that we can look back at them together Love you! #MarianXMissU”

Marian Rivera and Dingdong Dantes

Nagkaroon din ng pagkakataon ang mag-asawa na makapag-pilgrimage sa Holy Land sa Jerusalem, Israel bago sila bumalik ng Pilipinas.

Isa iyon sa dream destination ni Marian kaya mas naging espesyal na kasama niya ang “Mi Amor” na si Dingdong.

Marian Rivera and Dingdong Dantes

MARIAN’S “priceless” MISS UNIVERSE EXPERIENCE

Dumating sa Israel ang mag-asawa noong December 8.

Nanatiling low-key si Dingdong habang sinusubaybayan ang “priceless” experience ni Marian sa prestihiyosong beauty pageant.

Naging abala si Marian sa ginampanan niyang duties bilang pageant judge, habang full support ang mister na si Dingdong sa pagiging videographer, cameraman, bodyguard, at “water boy” ng aktres kung kinakailangan.

Nagmarka ang pagiging magiliw at kuwela ni Marian nang maging kaibigan niya ang seatmate at kapwa judge na si Urvashi Rautela. Si Urvashi ay Bollywood actress at Miss Universe India 2015.

Pati ang bonggang pagpalakpak ni Marian sa pambato ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez ay nakadagdag sa sigla ng Filipino pageant fans na tumutok sa Miss Universe peliminaries.

Hanggang sa coronation night ay pinag-usapan din ang pagiging proud ni Marian kay Beatrice na umabot ng Top 5 finalists.