Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon now declared “missing person” by Batangas Police Provincial Office

Catherine Camilon represented Tuy, Batangas, in Miss Grand PH 2023 last July.

Catherine Camilon now declared missing by Batangas police

Batangas Police Provincial Office intensifies efforts to locate Catherine Camilon, the missing beauty queen who reportedly left their house in Tuy, Batangas, last October 12, 2023. 
PHOTO/S: COURTESY: INSTAGRAM / FACEBOOK

Idineklara nang “missing person” ng Batangas Police Provincial Office si Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon, 26.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya ma-contact ng kanyang mga kamag-anak mula pa noong October 12, 2023.

Read: Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon “missing” according to mom, sister

Sa inilabas na pahayag ng Batangas PNP Public Information Office Facebook account ngayong araw, October 18, ipinag-utos ni Batangas Police Provincial Office (BPPO) Director Colonel Samson Belmonte ang puspusang paghahanap sa nawawalang beauty queen.

Bukod sa pagiging beauty queen, isa ring public school teacher si Catherine sa kanilang lugar sa Tuy, Batangas.

Mababasa sa pahayag, “Batangas Police Provincial Office Director Police Colonel Samson Belmonte ordered the intensified efforts in tracing and gathering information regarding the whereabouts of CATHERINE CAMILON Y MANGUERRA, 26 years old, High School Teacher and resident of Brgy. Rillo, Tuy, Batangas.”

Ayon sa impormasyong ibinahagi ng pulisya, umalis si Camilon sa kanilang bahay noong October 12, sakay ng kanyang Nissan Juke. Nakausap pa raw ito ng kanyang ina na si Rose Camilon habang nagpapa-gas sa isang gasoline station sa Bauan, Batangas

Iyon na umano ang huling komunikasyon ni Catherine sa inang si Rose.

Dagdag pa sa pahayag ng pulisya, “Accordingly, Ms. Camilon left the house on October 12, 2023 on board Nissan Juke with plate number NEI 2990 and that her mother still had a conversation with the latter informing her that she was at the gasoline station in Bauan.

“Afterwards, her mother heard no updates from Ms. Camilon until Friday morning which the mother claims is unusual.”

Sa ngayon, buong pulisya ng Batangas ay nakaalerto at nag-iimbestiga upang matukoy ang kinaroroonan ni Catherine.

Nananawagan din sila sa mga mamamayan na ipagbigay-alam sa pamilya sakaling may impormasyon sila tungkol sa nawawalang beauty queen.

“All stations and units across Batangas Police Province are working together with the Tuy Municipal Police Station in searching for any trace or information regarding the whereabouts of CATHERINE CAMILON Y MANGUERRA.

“Anyone with reliable information may report to the Tuy Municipal Police Station via their Station Hotline 0998-598-5711.”

Wala pa ring bagong impormasyong nakalap ang inang si Rose at ang kapatid nito na si Chin-chin Camilon.

Si Catherine ang kumatawan sa Tuy, Batangas, sa national pageant na Miss Grand Philippines 2023 nitong nakaraang Hulyo.